Deuteronomio 32:22
Dahil isang apoy ang nag-aalab sa pamamagitan ng aking galit at sumusunog hanggang sa pinakamalalim na lugar ng mga patay; kinakain nito ang mundo at ang ani nito; sinusunog nito ang mga pundasyon ng mga bundok.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
23Bubuntunan ko sila ng kapahamakan; ipapatama ko sa kanila ang lahat ng aking mga palaso;
Cross References
Deuteronomy 29:20Hindi siya papatawarin ni Yahweh, pero sa halip, ang galit ni Yahweh at kanyang pagseselos ay mag-iinit laban sa taong iyon, at ang lahat ng mga sumpa na nakasulat sa aklat na ito ay mapapasakanya, at tatanggalin ni Yahweh ang kanyang pangalan mula sa ilalim ng langit.
Psalms 18:7Kaya nayugyog at nayanig ang lupa; maging ang mga pundasyon ng mga bundok, nayanig at nayugyog dahil nagalit ang Diyos.
Psalms 46:2Kaya nga, hindi kami matatakot, kahit na ang lupa ay mabago, kahit na ang mga kabundukan ay mayanig papunta sa puso ng karagatan,
Psalms 86:13Dahil dakila ang iyong katapatan sa tipan para sa akin, iniligtas mo ang aking buhay mula sa kailaliman ng sheol.
Psalms 144:5Yahweh, palubugin mo ang kalangitan at bumaba ka; hawakan mo ang mga bundok at pausukin sila.
Isaiah 24:19Ang mundo ay ganap na masisira. ang mundo ay mahahati sa gitna; ang mundo ay marahas na mayayanig.