Deuteronomy 32:21
Pinagselos nila ako sa pamamagitan diyos na hindi totoo at ginalit ako ng kanilang mga walang halagang diyus-diyosan. Papainggitin ko sila sa pamamagitan ng hindi ko bayan, gagalitin ko sila sa pamamagitan ng isang bansa na walang pang-unawa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 12:21Huwag kayong tumalikod pagkatapos ng mga walang kabuluhang bagay na hindi mapapakinabangan o makakapagligtas sa inyo, dahil ang mga ito ay walang silbi.
1 Kings 16:13dahil sa lahat ng mga nagawang kasalanan ni Baasa at ng kaniyang anak na si Ela, at ng dahil sa hinikayat din din nila ang Israel para magkasala at galitin si Yahweh, ang Diyos ng Israel, nang dahil sa kanilang mga diyus-diyosan.
2 Kings 17:11Nagsunog sila ng insenso roon sa mga dambana, tulad ng mga ginagawa ng mga bansa, silang mga itinaboy ni Yahweh sa kanilang harapan. Nagsagawa ang mga Israelita ng mga masasamang bagay na nagpagalit kay Yahweh;
2 Kings 22:17Dahil tinalikuran nila ako at nagsunog ng insenso sa ibang mga diyus-diyosan, para galitin nila ako sa lahat ng kanilang mga ginawa - kaya ang aking galit ay nag-alab laban sa lugar na ito, at hindi ito mapapawi.'”
Psalms 78:58Dahil siya ay ginalit nila sa kanilang paganong mga templo at pinukaw siya na magalit dahil sa kanilang mga diyos-diyosan.
Jeremiah 2:11May bansa bang ipinagpalit ang mga diyos kahit hindi naman sila mga diyos? Ngunit ipinagpalit ng aking mga tao ang kanilang kaluwalhatian sa hindi makakatulong sa kanila.