Deuteronomy 4:2
Hindi ninyo dagdagan ang mga salita na iniutos ko sa inyo, ni bawasan ang mga ito, sa gayon maaari ninyong sundin ang tungkol sa mga kautusan ni Yahweh na inyong Diyos na iniutos ko sa inyo
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 5:29O, na ipagpatuloy nawa nila ang ganitong puso na nasa kanila, na parangalan nila ako at patuloy na sundin ang aking mga utos, nawa ay makabuti ito para sa kanila at sa kanilang mga anak magpakailanman!
Deuteronomy 12:32Anuman ang sinabi ko sa inyo ay sundin ito. Huwag itong dagdagan o bawasan.
Joshua 1:7Maging malakas at napakatapang. Maging maingat na sundin ang lahat ng batas na iniutos sa inyo ng aking lingkod na si Moises. Huwag kayong lilihis mula rito sa kanan o sa kaliwa, para maging matagumpay kayo saan man kayo pupunta.
Proverbs 30:6Huwag magdagdag sa kaniyang mga salita, o pagsasabihan ka niya at ikaw ay mapapatunayang isang sinungaling.
Jeremiah 26:2“Sinasabi ito ni Yahweh: Tumayo ka sa patyo ng aking tahanan at magsalita sa lahat ng mga lungsod ng Juda na pumupunta upang sumamba sa aking tahanan. Ipahayag mong lahat ang mga salitang iniutos ko sa iyo na iyong sasabihin sa kanila. Huwag mong babawasan ng kahit na anumang salita!
Matthew 5:43Inyong narinig na sinabing, 'Mahalin ninyo ang inyong kapwa at kamuhian ang inyong kaaway.'