Deuteronomio 4:20
Pero kinuha kayo ni Yahweh at dinala kayo palabas sa pugon na bakal, palabas ng Ehipto, para maging mga tao niya sa kaniyang sariling pamana, gaya ninyo sa araw na ito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 19:5Ngayon pagkatapos, kung susundin at pakikinggan ninyo ang aking tinig at iingatan ang aking kasunduan, kung gayon, magiging katangi-tanging pag-aari kita mula sa lahat ng mga tao, dahil ang buong daigdig ay akin.
Deuteronomy 9:29Gayun pa man sila ay iyong mga tao at iyong pamana, na dinala mo palabas sa pamamagitan ng iyong dakilang lakas at sa pamamagitan ng pagpapakita ng iyong kapangyarihan.'
1 Kings 8:51Sila ang iyong bayan na iyong pinili, na sinagip mo palabas ng Ehipto na parang nasa gitna ng pugon kung saan ang bakal ay pinanday.
Psalms 33:12Mapalad ang bansa na ang Diyos ay si Yahweh; ang bayan na kaniyang pinili bilang kanyang sariling pag-aari.
Isaiah 63:17Yahweh, bakit mo kami hinayaang maligaw mula sa iyong mga landas at tumigas ang aming mga puso kaya hindi ka na namin sinusunod? Bumalik ka para sa kapakanan ng iyong mga lingkod, ang mga lipi ng iyong pamana.
Ephesians 1:18Ipinapanalangin ko na ang mga mata ng inyong puso ay maliwanagan upang malaman ninyo kung ano ang inaasahan ng ating pagkakatawag. Ipinapanalangin ko na malaman ninyo ang yaman ng kaluwalhatian ng kaniyang pamana sa kanila na binukod para sa kaniya.