Exodus 19:5
Ngayon pagkatapos, kung susundin at pakikinggan ninyo ang aking tinig at iingatan ang aking kasunduan, kung gayon, magiging katangi-tanging pag-aari kita mula sa lahat ng mga tao, dahil ang buong daigdig ay akin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 9:29Sinabi ni Moises sa kaniya, “Sa oras na umalis ako sa lungsod, ilalatag ko ang aking mga kamay kay Yahweh. Titigil na ang kulog at wala ng anumang ulang may yelo. Sa ganitong paraan malalaman mo na pag-aari ni Yahweh ang mundo.
Exodus 23:22Kung talagang susundin mo ang kaniyang tinig at gagawin ang lahat ng bagay na sinabi ko sa iyo, sa gayon magiging kaaway ko ang iyong mga kaaway at kalaban para sa iyong mga kalaban.
Exodus 34:9“Pagkatapos sinabi niya, “Kung ako ngayon ay nakatagpo ng pabor sa inyong paningin, Panginoon ko, pakiusap sumama kayo sa amin, dahil ang mga taong ito ay matigas ang ulo. Ipagpaumanhin ang aming kalapastanganan at ang aming kasalanan, at dalhin mo kami bilang iyong pamana.
Deuteronomy 4:20Pero kinuha kayo ni Yahweh at dinala kayo palabas sa pugon na bakal, palabas ng Ehipto, para maging mga tao niya sa kaniyang sariling pamana, gaya ninyo sa araw na ito.
Deuteronomy 7:6Dahil kayo ang isang bansa na hiniwalay ni Yahweh na inyong Diyos. Pinili niya kayo para maging isang lahi para sa kaniya para angkinin, higit pa sa lahat na mukha ng ibabaw ng lupa.
Deuteronomy 10:14Tingnan ninyo, pag-aari ni Yahweh na inyong Diyos ang langit ng kalangitan, ang sanlibutan, kasama ang lahat na nasa kanila.