Deuteronomy 7:2
at kapag bibigyan kayo ni Yahweh na inyong Diyos ng katagumpayan sa kanila kapag nakita ninyo sila sa digmaan, dapat ninyo silang salakayin, pagkatapos dapat ganap ninyo sila wasakin. Hindi kayo gagawa ng tipan sa kanila, ni magpakita ng awa sa kanila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 22:20Sinumang magsasakripisyo sa anumang diyos maliban kay Yahweh ay dapat ganap na wasakin.
Exodus 34:12Mag-ingat kayo na hindi makagawa ng tipan sa mga naninirahan sa lupain kung saan kayo ay pupunta, o magiging patibong sila sa inyo.
Numbers 21:2Nangako ang Israel kay Yahweh at sinabi, “Kung bibigyan mo kami ng tagumpay sa mga taong ito, lubos na wawasakin namin ang kanilang mga lungsod.”
Deuteronomy 3:3Kaya binigyan din tayo ni Yahweh na ating Diyos ng tagumpay laban kay Og, at ang hari ng Bashan, at inilagay ang lahat ng kaniyang mga tao sa ilalim ng ating pangangasiwa. At pinatay natin siya hanggang walang ni isa sa mga tao niya ang natira.
Deuteronomy 9:3Kaya alamin sa araw na ito, na si Yahweh na inyong Diyos ang siyang mangunguna sa harapan ninyo katulad ng isang lumalamong apoy; wawasakin niya sila, at sila ay ibabagsak niya sa inyong harapan; para palayasin ninyo sila palabas at agad silang mamatay, gaya ng sinabi ni Yahweh sa inyo.
Deuteronomy 13:9Sa halip, siguraduhin ninyong papatayin siya; ang inyong kamay ang mauun para patayin siya, at pagkatapos ang kamay na ng lahat ng mga tao.