The Bible Software
bible.softwareDeuteronomioDeuteronomio 8 › Deuteronomio 8:2

Deuteronomio 8:2

Isasa-isip ninyo ang lahat ng mga kaparaanan ni Yahweh na inyong Diyos na nagdala sa inyo ng apatnapung taon sa ilang, para kayo ay ibaba niya, para subukin niya kayo para malaman kung ano ang nasa inyong puso, kung susundin ninyo ang kaniyang mga utos o hindi.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

And thou shalt remember all the way which the LORD thy God led thee these forty years in the wilderness, to humble thee, and to prove thee, to know what was in thine heart, whether thou wouldest keep his commandments, or no.

In Context

1Dapat ninyong sundin ang lahat ng mga utos na ibibigay ko sa inyo ngayon, para mabuhay kayo at lumago, at pasukin at ariin ang lupain na ipinangako ni Yahweh sa inyong mga ama.

3Ibinaba niya kayo, at ginutom, at pinakain kayo ng manna, na hindi ninyo alam kung ano, ni ng inyong mga ninuno, ni ng inyong mga ama. Ginawa niya ang mga iyon para malaman ninyo na ang mga tao ay hindi lamang nabubuhay sa tinapay, kung hindi, ito ay sa pamamagitan ng bawat salita na nagmumula sa bibig ni Yahweh kaya nabubuhay ang mga tao.

Read all of Deuteronomio 8

Cross References

Exodus 15:25Umiyak si Moises kay Yahweh at may ipinakitang puno si Yahweh sa kaniya. Hinagis ito ni Moises sa tubig at naging matamis na maiinom ang tubig. Sa lugar na iyon nagbigay si Yahweh sa kanila ng mahigpit na kautusan at doon din niya sila sinubukan.

Exodus 16:35Kumain ng manna ang bayan ng Israel sa loob ng apatnapung taon hanggang sa makarating sila sa lupaing may naninirahan. Kumain sila nito hanggang sa makarating sila sa mga hangganan ng lupain ng Canaan.

Deuteronomy 1:3Nangyari ito nang ikaapatnapung taon, ng ikalabing isang buwan, sa unang araw ng buwan, na nagsalita si Moises sa bayan ng Israel, sinasabi sa kanila ang lahat ng iniutos sa kaniya ni Yahweh na ukol sa kanila.

Deuteronomy 2:7Dahil pinagpala kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng gagawin ng inyong kamay; alam niya ang inyong paglalakbay sa malawak na ilang na ito. Dahil sa loob ng apatnapung mga taon na ito si Yahweh na inyong Diyos ay kasama ninyo, at hindi kayo nagkulang sa anumang bagay.”'

Deuteronomy 8:16si Yahweh, na nagpakain sa inyo ng manna sa ilang na hindi nakilala ng inyong mga ninuno, para kayo ay ibaba niya, at para kayo ay subukin niya, para gawan kayo ng kabutihan hanggang katapusan;

Deuteronomy 29:5Pinamunuan ko kayo sa loob ng apatnapung taon sa ilang; ang inyong mga damit ay hindi naluma, at ang inyong mga sandalyas ay hindi napudpod sa inyong mga paa.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Deuteronomio 8:2

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Deuteronomio 8:1Deuteronomio 8Deuteronomio 8:3 →