Ang Mangangaral 2:26
Kaya sa isang taong nagbibigay lugod sa kaniya, ibinibigay ng Diyos ang karunungan, kaalaman at kagalakan. Gayun man, sa makasalanan ibinibigay niya ang gawain ng pag-iipon at pagtatabi para maaari niyang ibigay ito sa isang taong nagbibigay kaluguran sa Diyos. Ito rin ay katumbas ng singaw at isang pagtangkang habulin ang hangin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 7:1Sinabi ni Yahweh kay Noe, “Halika, ikaw at lahat ng iyong sambahayan sa arka, sapagkat sa salinlahing ito nakita ko na ikaw ay matuwid sa aking harapan.
Job 27:16Kahit na ang masamang tao ay nagtatambak ng pilak na parang alikabok, at nagtatamabk ng kasuotan na parang luwad,
Job 32:8Pero may espiritu sa isang tao; binibigyan siya ng pang-unawa ng hininga ng Makapangyarihan.
Proverbs 3:13Siya na nakasusumpong ng karunungan ay masaya, siya din ay nakakuha ng kaunawaan.
Proverbs 28:8Siya na nagpapayaman sa pamamagitan nang labis na pagsingil ng tubo ay nag-iipon ng kaniyang yaman para sa iba na maaawa sa mga dukha.
Isaiah 3:10Sabihin mo sa matuwid na magiging maayos ang lahat sa kaniya; dahil kakainin niya ang bunga ng mga gawain niya.