Proverbs 28:8
Siya na nagpapayaman sa pamamagitan nang labis na pagsingil ng tubo ay nag-iipon ng kaniyang yaman para sa iba na maaawa sa mga dukha.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 22:25Kung magpapahiram kayo ng pera sa sinuman sa aking mga tao sa gitna ninyo na mga mahihirap, hindi kayo dapat matulad sa isang nagpapatubo sa kaniya o singilin siya ng may tubo.
2 Samuel 12:6Dapat niyang bayaran ang tupa ng apat na beses dahil ginawa niya ang ganoong bagay at dahil wala siyang awa sa mahirap na lalaki.”
Job 27:17maaaring magyambak siya ng kasuotan, pero isusuot ito ng mga matutuwid na tao, at paghahati-hatian ng mga inosenteng tao ang pilak.
Proverbs 14:31Ang isang nagmamalupit sa mahihirap ay isinusumpa ang kaniyang Maykapal, ngunit ang isang nagpapakita ng kagandahang-loob para sa nangangailangan ay pinaparangalan siya.
Ecclesiastes 2:26Kaya sa isang taong nagbibigay lugod sa kaniya, ibinibigay ng Diyos ang karunungan, kaalaman at kagalakan. Gayun man, sa makasalanan ibinibigay niya ang gawain ng pag-iipon at pagtatabi para maaari niyang ibigay ito sa isang taong nagbibigay kaluguran sa Diyos. Ito rin ay katumbas ng singaw at isang pagtangkang habulin ang hangin.
Ezekiel 18:13at kung nagpapautang siya na nagpapabayad ng tubo at kumukuha ng hindi makatarungang kita, dapat ba siyang mabuhay? Siya ay hindi mabubuhay! Ginawa niya ang lahat ng kasuklam-suklam na ito. Siya ay tiyak na mamamatay; ang kaniyang dugo ay nasa kaniya.