Ecclesiastes 2:3
Sinaliksik ko sa aking puso kung paano ko mapagbibigyan ang aking mga pagnanasa sa pag-inom ng alak. Hinayaan kong gabayan ako ng karunungan kahit na pinanghahawakan ko pa rin ang kahangalan. Nais kong malaman kung ano ang makabubuti para sa tao na gawin sa ilalim ng kalangitan sa mga araw ng kanilang mga buhay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
2Sabi ko tungkol sa halakhak, “ito ay kabaliwan,” at tungkol sa kasiyahan, “Anong silbi nito”
Cross References
Genesis 47:9Sinabi ni Jacob kay Paraon, “Ang mga taon ng aking mga paglalakbay ay isandaan at tatlumpu. Ang mga taon ng aking buhay ay maikli at masakit. Hindi ito kasintagal ng aking mga ninuno.”
Job 14:14Kung ang isang tao ay mamamatay, mabubuhay ba siyang muli? Kung gayon, hinahangad kong maghintay sa nakakapagod na panahon doon hanggang dumating ang aking paglaya.
Proverbs 20:1Ang alak ay mangungutya at ang matapang na inumin ay basag-ulero; ang sinumang naliligaw sa pamamagitan ng pag-inom ay hindi matalino.
Proverbs 31:4Hindi ito para sa mga hari, Lemuel, hindi para sa mga hari ang uminom ng alak, ni para sa mga namumuno ang magtanong, “Nasaan ang matapang na inumin?
Ecclesiastes 2:24Walang mabuti sa isang tao maliban lamang sa kumain at uminom at masiyahan sa kung ano ang mabuti sa kaniyang ginagawa. Nakita ko na ang katotohanang ito ay nagmumula sa kamay ng Diyos.
Ecclesiastes 6:12Dahil sino ang nakakaalam ng mabuti sa buhay ng tao sa kaniyang walang kabuluhan at bilang na mga araw na kaniyang dadaanan tulad ng isang anino? Sino ang makapagsasabi sa isang tao kung ano ang sasapitin sa ilalim ng araw pagkatapos siyang mamatay?