Ang Mangangaral 3:17
Sinabi ko sa aking puso, “Hahatulan ng Diyos ang matuwid at ang masama sa tamang panahon sa bawat bagay at sa bawat ginawa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 18:25Malayong gawin mo ang mga bagay na ito, na patayin ang mga matuwid kasama ang makasalanan, at ituring ang mga matuwid gaya ng mga makasalanan. Malayong gawin mo ito! Hindi ba gagawin ng Hukom ng buong mundo kung ano ang makatarungan?”
Ecclesiastes 1:16Sinabi ko sa aking puso, “Masdan, ang nakamit kong karunungan ay higit kaysa mga nauna sa akin sa Jerusalem. Nakita ng aking isip ang malawak na karunungan at kaalaman.
Ecclesiastes 3:1Sa lahat ng mga bagay ay mayroong isang itinakdang panahon, at isang kapanahunan sa bawat layunin sa ilalim ng langit.
Ecclesiastes 11:9Magalak ka, batang lalaki, sa iyong kabataan, at hayaang magalak ang iyong puso sa mga araw ng iyong kabataan. Ipagpatuloy ang mga mabubuting hangarin ng iyong puso at anumang nakikita ng iyong mga mata. Gayunpaman, isipin mo na hahatulan ka ng Diyos para sa lahat ng mga bagay na ito.
Jeremiah 29:10Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Kapag pinamunuan kayo ng Babilonia sa loob ng pitumpung taon, tutulungan ko kayo at ipagpapatuloy ang mabuting salita ko para sa inyo upang ibalik kayo sa lugar na ito.
Daniel 12:4Ngunit ikaw Daniel, isara mo ang mga salitang ito; panatilihin mong selyado ang aklat hanggang sa panahon ng pagwawakas. Marami ang magsisitakbuhan paroo't parito at madaragdagan ang kaalaman.”