Ang Mangangaral 6:9
Mabuti pang masiyahan sa nakikita ng mga mata kaysa sa paghahangad ng isang lumalawak na pananabik sa pagkain, na para ring singaw at isang pagtangkang habulin ang hangin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Job 31:7kung nalihis mula sa tamang daan ang aking hakbang, kung sumunod ang aking puso sa aking mga mata, kung may anumang bahid ng karumihan ang dumikit sa aking mga kamay,
Ecclesiastes 1:2Sabi ng Manganagaral. “Tulad ng isang singaw ng ambon, tulad ng isang simoy sa hangin, lahat ay maglalaho, mag-iiwan ng maraming katanungan.
Ecclesiastes 1:17Kaya inilagay ko sa aking puso na matutunan ang karunungan at maging kabaliwan at kahangalan din. Naintindihan ko rin na ito ay isang pagtangkang habulin ang hangin.
Ecclesiastes 2:22Para sa anong pakinabang ang makukuha ng tao na nagsisikap magtrabaho at sa kaniyang puso ay pinipilit tapusin ang kaniyang mga gawain sa ilalim ng araw?
Ecclesiastes 4:4Pagkatapos aking nakita na ang bawat paggawa at bawat mahusay na paggawa ay kinaiingitan ng kanilang kapwa. Ito rin ay parang singaw at isang pagtangkang habulin ang hangin.
Ecclesiastes 6:2Maaaring magbigay ang Diyos ng kayamanan, kasaganaan at karangalan sa isang tao upang hindi siya magkulang sa mga hinahangad niya para sa kaniyang sarili, ngunit pagkatapos, hindi ibibigay ng Diyos ang kakayahan upang magsaya sa mga ito. Sa halip, iba pa ang makikinabang ng kaniyang mga kagamitan. Ito ay parang singaw, isang masamang kalungkutan.