Ecclesiastes 7:2
Mas mabuting magtungo sa lamayan kaysa bahay ng kasayahan, dahil dumarating sa lahat ng tao ang pagluluksa sa katapusan ng buhay, kaya dapat ilagay ito sa puso ng mga taong nabubuhay pa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 49:2Magpulong kayo at makinig, kayong mga anak na lalaki ni Jacob. Makinig kayo kay Israel, ang inyong ama.
Numbers 23:10Sino ang makakapagbilang sa alikabok ni Jacob o makakapagbilang kahit na ang ikaapat lamang ng Israel? Hayaan akong akong mamatay sa kamatayan ng isang matuwid na tao, at hayaang maging katulad niya ang wakas ng aking buhay!”
Deuteronomy 32:46Sinabi niya sa kanila, “Ituon ang inyong mga isipan sa lahat ng mga salita na aking pinatunayan sa inyo ngayon, para mautusan ninyo ang inyong mga anak na sundin ang mga ito, ang lahat ng mga salita ng batas na ito.
Psalms 90:12Kaya turuan mo kaming isaalang-alang ang aming buhay para mamuhay kami ng may karunungan.
Isaiah 5:11Kaawa-awa sila na bumabangon nang maaga para maghanap ng matapang na alak; sila na nagkakasiyahan sa hating-gabi hanggang malunod sila sa kalasingan!
Isaiah 47:7Sinabi mo, “Mamumuno ako bilang pinakamataas na reyna magpakailanman.” Hindi mo isinapuso ang mga bagay na ito, maging inisip kung anong mangyayari sa mga ito.