Ang Mangangaral 7:3
Ang kalungkutan ay mas mabuti sa katuwaan, dahil pagkatapos ng kalungkutan ng mukha sasapit ang kagalakan ng puso.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Sorrow is better than laughter: for by the sadness of the countenance the heart is made better.
In Context
Cross References
Psalms 119:67Bago ako nasaktan, naligaw ako, pero ngayon, sumusunod ako sa salita mo.
Psalms 126:5Silang mga naghahasik ng mga luha ay mag-aani ng sigaw para sa kagalakan.
Jeremiah 31:8Tingnan mo, dadalhin ko na sila sa hilagang mga lupain. Titipunin ko sila sa mga pinakamalayong dako ng mundo. Kasama nila ang mga bulag at pilay, ang mga nagdadalang tao at ang mga malapit nang manganak ay kasama nila. Isang malaking kapulungan ang babalik dito.
Jeremiah 50:4Sa mga araw na iyon at sa oras na iyon, ang mga tao ng Israel at ang mga tao ng Juda ay sama-samang iiyak at hahanapin si Yahweh na kanilang Diyos. Ito ang pahayag ni Yahweh.
Daniel 10:2Sa mga araw na iyon akong si Daniel ay tumatangis ng tatlong linggo.
Zechariah 12:10Ngunit ibubuhos ko ang espiritu ng pagkahabag at pagsusumamo sa sambahayan ni David at sa mga naninirahan sa Jerusalem, kaya titingin sila sa akin, na kanilang sinaksak. Tatangis sila para sa akin, gaya ng isang tumatangis para sa nag-iisang anak na lalaki; Mananaghoy sila nang may kapaitan para sa kaniya tulad ng mga nananaghoy sa pagkamatay ng panganay na anak na lalaki.