Esther 1:13
Kaya sumangguni ang hari sa mga lalaking kilalang matalino, na nakakaintindi sa mga panahon (dahil ito ang pamamaraan ng hari sa lahat ng mga bihasa sa batas at paghahatol).
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Chronicles 12:33Mula kay Zebulun ay may 50, 000 na lalaking mandirigma, na nakahanda para sa digmaan, na dala ang lahat ng sandata ng digmaan at handang ibigay ang hindi nahahating katapatan.
Daniel 2:2At ipinatawag ng hari ang mga salamangkero at ang mga nagsasabing nakakausap ang patay. Ipinatawag din niya ang mga mangkukulam at matatalinong kalalakihan. Nais niya na sabihin nila sa kaniya ang tungkol sa kaniyang mga panaginip. Kaya dumating sila at tumayo sa harapan ng hari.
Daniel 2:27Sumagot si Daniel sa hari at sinabi, “Ang hiwagang pangagailangan ng hari ay hindi maihahayag sa pamamagitan ng mga may karunungan, ni sa pamamagitan ng mga nagsasabi na nakikipag-usap sa patay, ni sa mga salamangkero, at hindi sa mga manghuhula.
Daniel 5:7Sumigaw ang hari at nag-utos na papasukin ang mga nagsasabing nakikipag-usap sa mga patay, mga matatalinong kalalakihan at mga astrologo. At sinabi ng hari sa mga kilala dahil sa kanilang mga karunungan sa Babilonia, “Kung sino man ang makapagpapaliwanag sa nakasulat at makapagsasabi ng kahulugan nito ay dadamitan ng kulay ube at lalagyan ng gintong kuwintas sa kaniyang leeg. Magkakaroon siya ng kapangyarihan ng ikatlong pinakamataas na pinuno sa kaharian.”
Matthew 16:3At sasabihin ninyo sa umaga, 'Hindi magiging maganda ang panahon ngayon, sapagkat ang langit ay pula at maulap.' Alam ninyo kung paano bigyan ng kahulugan ang anyo ng langit, ngunit hindi ninyo kayang bigyang kahulugan ang mga palatandaan ng mga panahon.