Ester 1:6
Ang bulwagan ng hardin ay pinalamutian ng mga kurtina na kulay puti ang tela at kulay-ube, na may mga tali ng pinong lino at kulay-ube, ibinitin sa sabitang pilak mula sa mga haliging marmol. May mga sopang ginto at pilak na nasa bangketang may dibuhong palamuti na yari sa batong kristal, marmol, ina ng perlas, at mga batong panlatag na may kulay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 26:1Dapat gumawa ka ng tabernakulo na may sampung kurtina na yari sa pinong lino na kulay asul, lila, at matingkad na pulang lana na may disenyong kerubin. Gagawin ito ng mahusay na manggagawang lalaki.
Exodus 26:36Dapat kang gumawa ng pabitin sa pasukan ng tabernakulo. Dapat mong gawing asul, lila, matingkad na pulang bagay, at pinong pinulupot ng lino, ang gawa ng taga-burda.
Esther 8:15Pagkatapos umalis si Mordecai sa presensya ng hari na nakasuot ng maharlikang damit na bughaw at puti, na may malaking gintong korona at kulay-ubeng balabal ng pinong lino. At sumigaw at nagsaya ang siyudad ng Susa.
Amos 2:8Nahiga sila sa tabi ng bawat altar sa ibabaw ng kasuotang kinuha bilang mga panunumpa, at sa tahanan ng Diyos ay ininom nila ang alak na multa.