Esther 2:23
Ang ulat ay siniyasat at napatunayan, kaya binitay ang dalawang lalaki sa bitayan. Isinulat ang pangyayaring ito sa Aklat ng mga Alaala sa presensya ng hari.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 40:22Ngunit binitay niya ang punong panadero gaya ng paliwanag ni Jose sa kanila.
Joshua 8:29Ibinitin niya ang hari ng Ai sa isang puno hanggang gabi. Nang palubog na ang araw, nagbigay ng utos si Josue at kinuha nila ang katawan ng hari pababa mula sa puno at itinapon ito sa harap ng tarangkahan ng lungsod. Nagtayo sila roon ng isang malaking tambakan ng mga bato sa ibabaw nito. Nanatili ang tambakan na iyon doon sa araw na ito.
Esther 5:14Kaya sinabi ni Zeresh kay Haman na kanyang asawa at sa lahat ng kanyang kaibigan, “Hayaan mo silang gumawa ng bitayang may taas na limampung kubit. Sa umaga makipag-usap ka sa hari na ibitay nila roon si Mordecai. Pagkatapos pumunta kang masaya kasama ng hari sa handaan. Naging kasiya-siya ito kay Haman, at nagpagawa siya ng bitayan.
Esther 7:10Kaya binitay nila si Haman sa bitayang kanyang inihanda para kay Mordecai. Pagkatapos humupa ang matinding galit ng hari.
Malachi 3:16At ang mga may takot kay Yahweh ay nagsabi sa isa't isa; nagbigay pansin si Yahweh at nakinig, at isang aklat ng alaala ang nasulat sa kaniyang harapan para sa mga may takot kay Yahweh at iginagalang ang kaniyang pangalan.