Esther 3:13
Ang mga kasulatan ay inihatid sa pamamagitan ng tagahatid ng liham sa lahat ng lalawigan ng hari, upang lipulin, patayin, at wasakin ang lahat ng Judio, mula bata hanggang matanda, mga bata at kababaihan, sa isang araw—sa ikalabintatlong araw ng ikalabindalawang buwan (ang buwan ng Adar) —at samsamin ang kanilang mga ari-arian.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 22:19Sa pamamagitan ng dulo ng espada sinalakay niya ang Nob, ang lungsod ng mga pari, kapwa mga lalaki at mga babae, mga bata at mga sanggol at mga lalaking baka at mga asno at mga tupa. Pinatay niya silang lahat gamit ang talim ng espada.
Esther 7:4Dahil kami ay ipinagbili, ako at ang aking lahi, upang wasakin, patayin, at lipulin. Kung kami ay ipinagbili lamang sa pagkaalipin, bilang lalaki at babaing alipin, tatahimik na lang sana ako, sapagkat walang kapighatiang tulad nito na magbigay-katarungan para gagambalain ang hari.”
Esther 8:10Sumulat si Mordecai sa pangalan ni Haring Assuero at sinelyuhan ito ng panselyong singsing ng hari. Pinadala ang mga kasulatan sa pamamagitan ng mga tagahatid na nakasakay sa mabibilis na mga kabayo na siyang ginagamit sa paglilingkod sa hari, pinarami mula sa maharlikang palahiang hayop.
Esther 9:1Ngayon sa ikalabindalawang buwan, ang buwan ng Adar, sa ikalabintatlong araw, nang ang batas ng hari at ang kautusan ay malapit nang ipatupad, sa araw na ang mga kaaway ng mga Judio ay umaasang makakuha ng kapangyarihan sa ibabaw nila, ito ay nabaliktad. Ang mga Judio ang nakakuha ng kapangyarihan sa ibabaw ng mga galit sa kanila.
Job 9:25Ang aking mga araw ay mas matulin kaysa tumatakbong mensahero; lumilipas ang aking mga araw; wala silang nakikitang mabuti kahit saan.
Jeremiah 51:31Ang isang mensahero ay tumatakbo upang ipahayag sa iba pang mensahero, at ipinapahayag ng mananakbo sa iba pang mananakbo sa Hari ng Babilonia na ang kaniyang lungsod ay nasakop na sa magkabilang dulo.