The Bible Software
bible.software › Ester › Ester 3 › Ester 3:12

Ester 3:12

Pagkatapos ay pinatawag ang mga manunulat ng hari sa ikalabintatlong araw ng unang buwan, at isang utos na naglalaman ng lahat ng iniutos ni Haman ang sinulat para sa mga panlalawigang gobernador ng hari, iyong mga namumuno sa lahat ng lalawigan, sa mga gobernador ng iba't-ibang mga lahi, at sa lahat ng mga opisyal ng lahat ng tao, sa bawat lalawigan sa sarili nilang pagsulat, at sa bawat tao sa sarili nilang wika. Ito ay isinulat sa pangalan ni Haring Assuero at sinelyuhan ng kanyang singsing.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

Then were the king’s scribes called on the thirteenth day of the first month, and there was written according to all that Haman had commanded unto the king’s lieutenants, and to the governors that were over every province, and to the rulers of every people of every province according to the writing thereof, and to every people after their language; in the name of king Ahasuerus was it written, and sealed with the king’s ring.

In Context

11Sinabi ng hari kay Haman, “Sisiguraduhin kong maibalik ang pera sa iyo at sa iyong lahi. Magagawa mo anuman ang iyong naisin para dito.”

13Ang mga kasulatan ay inihatid sa pamamagitan ng tagahatid ng liham sa lahat ng lalawigan ng hari, upang lipulin, patayin, at wasakin ang lahat ng Judio, mula bata hanggang matanda, mga bata at kababaihan, sa isang araw—sa ikalabintatlong araw ng ikalabindalawang buwan (ang buwan ng Adar) —at samsamin ang kanilang mga ari-arian.

Read all of Ester 3

Cross References

Ezra 8:36At ibinigay nila ang mga utos ng hari sa matataas na mga opisyal ng hari at sa mga gobernador sa ibayo ng Ilog, at tinulungan nila ang mga tao at ang tahanan ng Diyos.”

Esther 8:2Kinuha ng hari ang panselyong singsing, na binawi niya mula kay Haman, at ibinigay ito kay Mordecai. Itinalaga ni Esther si Mordecai na maging tagapamahala ng lahat ng ari-arian ni Haman.

Esther 8:10Sumulat si Mordecai sa pangalan ni Haring Assuero at sinelyuhan ito ng panselyong singsing ng hari. Pinadala ang mga kasulatan sa pamamagitan ng mga tagahatid na nakasakay sa mabibilis na mga kabayo na siyang ginagamit sa paglilingkod sa hari, pinarami mula sa maharlikang palahiang hayop.

Daniel 6:8Ngayon, o hari, magpalabas ka ng isang atas at lagdaan ang kasulatan upang sa gayon hindi na ito maaaring mabago, ayon sa mga batas na itinuturo ng mga Medo at Persia, sa gayon hindi ito mapawalang bisa.

Daniel 6:15Pagkatapos, ang mga kalalakihang ito na nagbalak ng masama ay nagtipon kasama ang hari at sinabi sa kaniya, “Alam mo, o hari, nabatas ng Medo at Persia, na walang batas o kautusan na pinalabas ng hari ang maaaring mabago.”

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Ester 3:12

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Ester 3:11Ester 3Ester 3:13 →