Ester 8:11
Pinahintulutan ng hari ang mga Judio na nasa bawat siyudad na magtipun-tipon at gumawa ng paninindigan upang pangalagaan ang kanilang buhay; upang ubusin, patayin, at lipulin ang anumang sandatahang lakas mula sa alinmang lahi o lalawigang gustong sumalakay sa kanila, kasali ang mga bata at mga kababaihan o dambungin ang kanilang mga ari-arian.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Esther 3:13Ang mga kasulatan ay inihatid sa pamamagitan ng tagahatid ng liham sa lahat ng lalawigan ng hari, upang lipulin, patayin, at wasakin ang lahat ng Judio, mula bata hanggang matanda, mga bata at kababaihan, sa isang araw—sa ikalabintatlong araw ng ikalabindalawang buwan (ang buwan ng Adar) —at samsamin ang kanilang mga ari-arian.
Esther 9:5Sinalakay ng mga Judio ang kanilang mga kaaway gamit ang espada, pinagpapatay at pinagwawasak sila, at ginawa ang anumang naisin nila sa mga galit sa kanila.
Esther 9:15Ang mga Judio na nasa Susa ay dumating na magkakasama sa ikalabing-apat na araw ng buwan ng Adar, at pumatay ng karagdagang tatlondaang lalaki sa Susa, ngunit walang gumalaw sa mga nakaw.
Psalms 37:14Binunot ng masama ang kanilang mga espada at binaluktot ang kanilang mga pana para ilugmok ang mga naaapi at nangangailangan, para patayin ang mga matuwid.
Psalms 137:8Anak na babae ng Babilonia, na malapit na ang pagkawasak— nawa ang tao ay pagpalain, kung sinuman ang magbalik ng kabayaran sa kung ano ang iyong ginawa sa amin.
Isaiah 10:6Ipapadala ko siya laban sa isang mayabang na bansa at laban sa mga taong pasan ang nag-uumapaw kong poot. Inutusan ko siyang samsamin ang mga kayamanan, para kunin ang biktima, at para apakan sila tulad ng mga putik sa mga lansangan.