Esther 9:3
Lahat ng mga opisyal ng mga lalawigan, ang mga panlalawigang gobernador, ang mga gobernador, at ang mga tagapangasiwa ng hari, tumulong sa mga Judio dahil sa takot kay Mordecai na bumagsak sa kanila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Esther 3:2Lahat ng mga lingkod ng hari na nasa tarangkahan ng hari ay palaging lumuluhod at nagpapatirapa kay Haman tulad ng inutos ng hari na gawin nila. Ngunit si Mordecai ay hindi lumuhod ni pinatirapa ang kanyang sarili.
Esther 8:5Sinabi niya, “Kung mamarapatin ng hari, at kung nakasumpong ako ng kagandahang-loob sa iyong paningin, kung ang bagay ay parang wasto sa harap ng hari, at ako ay kalugud-lugod sa iyong mga mata, hayaang isang kautusan ang maisulat upang mapawalang-bisa ang mga liham ni Haman na anak ni Hammedatha na Agageo, ang mga liham na kanyang sinulat para wasakin ang mga Judio na nasa lahat ng mga lalawigan ng hari.
Esther 8:17Sa bawat lalawigan at sa bawat siyudad, saanman makarating ang kautusan ng hari, may kagalakan at kasiyahan ang mga Judio, isang pagdiriwang at isang araw ng pangilin. Maraming naging Judio ang nagmula sa ibat-ibang lahi ng mga tao, dahil ang takot ng mga Judio ay bumagsak sa kanila.
Daniel 6:1Nalugod si Dario na magtalaga sa buong kaharian ng 120 na mga gobernador ng lalawigan na mamahala sa buong kaharian.