Ester 8:17
Sa bawat lalawigan at sa bawat siyudad, saanman makarating ang kautusan ng hari, may kagalakan at kasiyahan ang mga Judio, isang pagdiriwang at isang araw ng pangilin. Maraming naging Judio ang nagmula sa ibat-ibang lahi ng mga tao, dahil ang takot ng mga Judio ay bumagsak sa kanila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
16Nagkaroon ng kaliwanagan, kagalakan, kasiyahan, at karangalan ang mga Judio.
Cross References
Exodus 15:16Ang kilabot at pangamba ay mapapasakanila. Dahil sa kapangyarihan ng iyong bisig, sila ay hindi iimik na parang bato hanggang sa makaraan ang iyong bayan, Yahweh— hanggang sa makaraan ang sinagip mong bayan.
Deuteronomy 11:25Walang sinumang tao ang makakatayo sa harapan ninyo; maglalagay si Yahweh na inyong Diyos ng takot at ng kilabot sa lahat ng mga lupaing lalakaran ninyo, tulad ng sinabi niya sa inyo.
Joshua 2:11Sa pagkarinig namin nito, natunaw ang aming mga puso at walang tapang ang naiwan sa sinuman—dahil si Yahweh na inyong Diyos, siya ang Diyos sa langit sa itaas at sa lupa sa ibaba.
Nehemiah 8:10Pagkatapos, sinabi ni Nehemias sa kanila, “Humayo na kayo, kainin ninyo ang taba at kumuha kayo ng matamis na maiinom, at ipadala ang ilan nito sa mga walang naihanda, dahil ang araw na ito ay banal sa ating Panginoon. Huwag kayong magdalamhati, dahil ang kagalakan ni Yahweh ang inyong lakas.”
Esther 9:3Lahat ng mga opisyal ng mga lalawigan, ang mga panlalawigang gobernador, ang mga gobernador, at ang mga tagapangasiwa ng hari, tumulong sa mga Judio dahil sa takot kay Mordecai na bumagsak sa kanila.
Esther 9:19Iyan ang dahilan kung bakit ang mga Judio ng mga nayon, na gumagawa ng kanilang mga tahanan sa mga bayang bukirin, ay ipinagdiriwang ang ikalabing-apat na araw sa buwan ng Adar bilang isang araw ng pagsasaya at kapistahan, at bilang isang araw kung saan nagpapadala sila ng mga regalong pagakain sa isa't-isa.