Exodo 10:16
Pagkatapos mabilis na pinatawag ng Paraon sina Moises at Aaron at sinabing, “Nagkasala ako laban kay Yahweh na inyong Diyos at laban sa inyo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 21:7Lumapit ang mga tao kay Moises at sinabin, “Nagkasala kami dahil nagsalita kami laban kay Yahweh at sa iyo. Magdasal ka kay Yahweh upang ilayo niya ang mga ahas mula sa amin.” Kaya nagdasal si Moises para sa mga tao.
1 Samuel 15:24Pagkatapos sinabi ni Saul kay Samuel, “Nagkasala ako; dahil binali ko ang kautusan ni Yahweh at ang iyong mga salita, dahil takot ako sa mga tao at sinunod ang kanilang boses.
1 Samuel 26:21Pagkatapos sinabi ni Saul, “Nagkasala ako. Bumalik ka, David, anak ko, hindi na kita kailanman sasaktan, dahil natatangi ang aking buhay sa iyong mga mata ngayon. Tingnan mo, naging mangmang ako at lubusang nagkamali.”
2 Samuel 24:10Pagkatapos nagdalamhati ang puso ni David matapos niyang bilangin ang mga kalalakihan. Kaya sinabi niya kay Yahweh, “Nagkasala ako nang matindi sa paggawa nito. Ngayon, Yahweh, alisin mo ang pagkakasala ng iyong lingkod, sapagkat kumilos ako nang may labis na kahangalan.”
Job 34:31Ipagpalagay natin na may taong nagsabi sa Diyos, “Tiyak akong may sala, pero hindi na ako magkakasala;
Matthew 27:4at sinabi, “Ako ay nagkasala sa pamamagitan ng pagkakanulo sa dugong walang kasalanan.” Ngunit sinabi nila, “Ano ba sa amin iyon? Tingnan mo yan sa iyong sarili.”