Exodo 10:17
Kaya ngayon, patawarin ninyo ako sa aking kasalanan sa oras na ito, at idalangin ninyo kay Yahweh na inyong Diyos na kaniyang alisin ang kamatayang ito mula sa akin.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
18Kaya lumabas si Moises mula sa harap ng Paraon at nanalangin kay Yahweh.
Cross References
Exodus 8:8Pagkatapos tinawag ni Paraon sina Moises at Aaron at sinabi, “Manalangin kayo kay Yahweh para paalisin niya ang mga palaka mula sa akin at sa aking bayan. Pagkatapos hahayaan ko ang mga tao na umalis, para maghandog sa kaniya.”
Numbers 21:7Lumapit ang mga tao kay Moises at sinabin, “Nagkasala kami dahil nagsalita kami laban kay Yahweh at sa iyo. Magdasal ka kay Yahweh upang ilayo niya ang mga ahas mula sa amin.” Kaya nagdasal si Moises para sa mga tao.
1 Kings 13:6Sumagot si Haring Jeroboam at sinabi sa lingkod ng Diyos, “Makiusap ka para sa pabor ni Yahweh na iyong Diyos at ipanalangin ako, sa gayon maaaring maibalik muli sa dating kalagayan ang aking kamay.” Kaya nanalangin ang lingkod ng Diyos kay Yahweh, at muling naibalik sa dating kalagayan ang kamay ng hari.
Isaiah 26:16Yahweh, sa kanilang kaguluhan tumingin sila sa iyo; nagsabi rin sila ng mga bulong laban sa masama nang ang iyong pagtutuwid ay nasa kanila.
Romans 15:30Ngayon hinihikayat ko kayo, mga kapatid, sa ngalan ng Panginoong Jesu-Cristo, at sa pamamagitan ng pag-ibig ng Banal na Espirito, na magsumikap kayo kasama ko sa inyong mga panalangin sa Diyos patungkol sa akin.