Exodo 10:7
Sinabi ng mga lingkod ni Paraon sa kaniya, “Gaano ba katagal na magiging pahamak ang taong ito sa atin? Hayaan mo nang umalis ang mga Israelita para makasamba kay Yahweh na kanilang Diyos. Hindi mo pa ba napagtanto na wasak na ang Ehipto?”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 8:19Pagkatapos sinabi ng mga salamamgkero kay Paraon, “Ito ang daliri ng Diyos” Pero ang puso ni Paraon ay pinatigas, kaya tumanggi siyang makinig sa kanila. Tulad ito ng sinabi ni Yahweh na gagawin ni Paraon.
Joshua 23:13pagkatapos tiyak na malalaman na hindi na palalayasin ni Yahweh na inyong Diyos ang mga bansang ito mula sa inyo. Sa halip, magiging isang patibong sila at isang bitag para sa inyo, pamalo sa inyong likuran at mga tinik sa inyong mga mata, hanggang sa mamatay kayo mula sa mabungang lupaing ito na binigay ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo.
1 Samuel 18:21Pagkatapos inisip ni Saul, “Ibibigay ko siya sa kanya, upang siya'y maging bitag sa kanya, at upang ang kamay ng mga taga-Filisteo ay maging laban sa kanya.” Kaya sinabi ni Saul kay David sa pangalawang pagkakataon, “Ikaw ang aking magiging manugang na lalaki.”
Proverbs 29:6Ang isang masamang tao ay nahuli sa isang patibong sa pamamagitan ng kaniyang sariling kasalanan, pero ang isang gumagawa ng tama ay umaawit at nagsasaya.
Isaiah 14:20Gaya ng isang bangkay na tinapon sa ilalim, hindi ka makakasama sa kanila sa libingan, dahil winasak mo ang iyong lupain. Ikaw na pumatay sa iyong kababayan ay anak ng mga gumagawa ng masama at hindi na muling babanggitin kailanman.”
Jeremiah 48:4Nawasak na ang Moab. Ipinarinig ng kaniyang mga anak ang kanilang pag-iyak.