Exodus 8:19
Pagkatapos sinabi ng mga salamamgkero kay Paraon, “Ito ang daliri ng Diyos” Pero ang puso ni Paraon ay pinatigas, kaya tumanggi siyang makinig sa kanila. Tulad ito ng sinabi ni Yahweh na gagawin ni Paraon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 41:24Nilunok ng mga payat na uhay ang pitong mabubuting uhay. Sinabi ko itong mga panaginip na ito sa mga salamangkero, pero walang ni isa ang makapagpaliwanag nito sa akin.”
Exodus 9:4Ituturing ni Yahweh na magkaiba ang mga baka ng mga Israelita at ang mga baka ng taga-Ehipto: walang hayop na pag-aari ng mga Israelita ang mamamatay.
Exodus 10:7Sinabi ng mga lingkod ni Paraon sa kaniya, “Gaano ba katagal na magiging pahamak ang taong ito sa atin? Hayaan mo nang umalis ang mga Israelita para makasamba kay Yahweh na kanilang Diyos. Hindi mo pa ba napagtanto na wasak na ang Ehipto?”
Exodus 11:7Pero kahit hindi tumahol ang isang aso laban sa alinmang taga-Israel, sinuman laban sa tao o hayop. Sa ganitong paraan malalaman ninyo ang pagkakaiba ng pagtrato ko sa mga taga-Ehipto at sa mga Israelita.'
1 Samuel 6:9Pagkatapos masdan ninyo; kung pupunta ito sa daan patungo sa sarili nitong lupain sa Beth-semes, kung gayon si Yahweh ang nagpatupad nitong malaking sakuna. Ngunit kung hindi, saka natin malalaman na hindi ang kanyang kamay ang nagpahirap sa atin; sa halip, malalaman nating nagkataon lang na nangyari ito sa atin.”
Daniel 2:10Sumagot ang matatalinong kalalakihan sa hari, “Walang tao sa lupa ang may kakayanang matugunan ang pangagailangan ng hari. Walang dakila at makapangyarihang hari ang mangangailangan ng ganoong bagay mula sa sinumang salamangkero, o mula sa sinumang umaangkin na makipag-usap sa patay, o mula sa isang matalinong tao.