Exodus 11:1
Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Mayroon pa rin akong isang salot na dadalhin kay Paraon at sa Ehipto. Pagkatapos niyan, papayagan na niya kayong makaalis mula rito. Kapag ganap na pinayagan na niya kayong makaalis, itataboy niya kayo ng tuluyan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 3:20Iaabot ko ang kamay ko at sasalakayin ang mga taga-Ehipto ng mga himalang gagawin ko sa gitna nila. Pagkatapos niyon, papayagan niya kayong umalis.
Exodus 9:14Sa oras na ito ipapadala ko ang lahat ng mga salot sa iyo mismo, sa iyong mga lingkod at sa iyong bayan. Gagawin ko ito para malaman mo na walang sinuman ang katulad ko dito sa buong mundo.
Exodus 12:31Pinatawag ni Paraon sina Moises at Aaron sa gabing iyon at sinabing, “Tumayo kayo at lumayas mula sa bayan ko, kayo at ang mga Israelita. Umalis na kayo, at sumamba kay Yahweh, gaya ng sinabi ninyo na nais ninyong gawin.
Deuteronomy 4:34O ang Diyos ba ay tinangkang pumunta at kunin ang isang bansa mula sa kalagitnaan ng ibang bansa, sa pamamagitan ng mga pagsubok, sa pamamagitan ng mga tanda, at sa pamamagitan ng mga kababalaghan, at sa pamamagitan ng digmaan, at sa pamamagitan ng isang napakalakas na kamay, at sa pamamagitan ng sa isang pagpapakita ng dakilang kapangyarihan, at sa pamamagitan ng matinding mga pananakot, gaya ng lahat ng ginawa ni Yahweh na inyong Diyos para sa inyo sa Ehipto sa harapan ng inyong mga mata?
Job 10:17Nagdadala ka ng mga bagong saksi laban sa akin at dinadagdagan mo ang iyong galit sa akin; sinasalakay mo ako ng mga bagong hukbo.