Exodus 11:4
Sinabi ni Moises. “Ito ang mga sinabi ni Yahweh: 'Pupunta ako sa buong Ehipto ng hating gabi.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And Moses said, Thus saith the LORD, About midnight will I go out into the midst of Egypt:
In Context
Cross References
Exodus 12:23Dahil si Yahweh ay dadaan para salakayin ang mga taga-Ehipto. Kapag nakita niya ang dugo sa itaas ng inyong balangkas at sa dalawang magkabilang poste, lalagpasan niya lamang ang inyong pintuan at hindi niya pahihintulutan ang tagawasak na makapasok sa inyong tahanan para kayo ay salakayin.
2 Samuel 5:24Kapag narinig mo ang tunog ng pag-ihip ng hangin sa itaas ng mga punong balsam, salakayin mo sila nang may lakas. Gawin mo ito dahil pangungunahan ka ni Yahweh para salakayin ang hukbong ng mga taga-Filisteo.''
Psalms 60:10Pero ikaw, O Diyos, hindi mo ba kami itinakwil? Hindi mo sinamahan sa laban ang aming hukbo.
Amos 4:10Pinadala ko sa inyo ang salot na gaya sa Egipto. Pinatay ko sa espada ang inyong mga kabataang lalaki, kinuha ang inyong mga kabayo, at ginawa kong mabaho ang inyong kampo na umabot sa inyong mga pang-amoy. Gayunpama'y hindi kayo bumalik sa akin—Ito ang pahayag ni Yahweh.”
Micah 2:13Mauuna sa kanila ang isang taong magbubukas ng kanilang daraanan. Bubuksan nila ang tarangkahan at lalabas, mauuna sa kanilang lalabas ang kanilang hari. Mauuna si Yahweh sa kanila.