Exodus 13:16
Magiging paalala ito sa iyong mga kamay, at paalala sa iyong noo, dahil nakalabas tayo mula sa Ehipto sa pamamagitan ng lakas ng kamay ni Yahweh.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 6:1Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Ngayon makikita mo kung ano ang gagawin ko kay Paraon. Makikita mo ito, dahil hahayaan niya na sila ay umalis dahil sa aking malakas na kamay. Dahil sa kamay kong makapangyarihan, sila ay kaniyang palalayasin sa kaniyang lupain.”
Exodus 12:13Ang dugo ay magiging isang palatandaan sa inyong mga tahanan para sa pagdating ko sa inyo. Kapag nakita ko ang dugo, lalagpasan ko lang kayo kapag sinalakay ko ang lupain ng Ehipto. Ang salot na ito ay hindi dadapo sa inyo at wawasak sa inyo.
Exodus 13:9Magsisilbi itong paalala para sa inyo sa inyong kamay, at isang paalala sa inyong noo. Para mapasainyong bibig itong batas ni Yahweh, dahil nakalabas kayo mula sa Ehipto sa pamamagitan ng malakas na kamay ni Yahweh.
Deuteronomy 5:15Isasaisip ninyo na kayo ay naging isang lingkod sa lupain ng Ehipto, at si Yahweh na inyong Diyos ang nagdala sa inyo palabas mula doon sa pamamagitan ng isang malakas na kamay at sa pamamagitan ng pagpapakita ng kapangyarihan. Kaya si Yahweh na inyong Diyos ang nagutos sa inyo na sundin ang Araw ng Pamamahinga.
Deuteronomy 6:8Itali ninyo ang mga ito bilang isang palatandaan sa inyong kamay, at magsisilbi ang mga ito bilang gasa sa pagitan ng inyong mga mata.
Deuteronomy 11:18Kaya nga ilagay ang mga salita kong ito sa inyong puso at kaluluwa; itali ang mga ito bilang isang tanda sa inyong kamay, at hayaan ang mga ito na maging gasa sa pagitan ng inyong mga mata.