Exodus 13:8
Sa araw na iyon sasabihan ninyo ang inyong mga anak, 'Dahil ito ang ginawa ni Yahweh para sa akin nang lumabas ako mula sa Ehipto.'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 10:2Ginawa ko rin ito para maikuwento mo sa iyong mga anak at mga apo ang mga bagay na ginawa ko, kung paano ko pinagmalupitan ang Ehipto, at kung paano ko binigay ang iba't-ibang mga palatandaan ng aking kapangyarihan sa kanila. Sa ganitong paraan malalaman mo na ako si Yahweh.”
Exodus 12:27At dapat ninyong sabihin, 'Ito ay sakripisyo sa Paskua ni Yahweh, dahil nilagpasan lang ni Yahweh ang mga tahanan ng mga Israelita sa Ehipto nang sinalakay niya ang mga taga-Ehipto. Pinalaya niya ang aming sambahayan.”' Pagkatapos ang bayan ay yumuko at sumamba kay Yahweh.
Deuteronomy 4:9Bigyang pansin lamang at bantayang maigi ang inyong sarili, nang sa gayon ay hindi ninyo malimutan ang mga bagay na nakita ng inyong mga mata, nang sa gayon hindi mawala sa inyong puso ang mga ito sa bawat araw ng inyong buhay. Sa halip, ipaalam ang mga ito sa inyong mga anak at sa kanilang magiging mga anak—
Psalms 78:3Ito ang mga bagay na narinig at natutunan natin, mga bagay na sinabi sa atin ng ating mga ninuno.
Ephesians 6:4At kayo mga ama, huwag ninyong sulsulan ang inyong mga anak sa galit. Sa halip, palakihin sila na may disiplina at katuruan ng Panginoon.