Exodus 14:4
Papatigasin ko ang puso ni Paraon, at hahabulin ko sila. Makakakuha ako ng parangal dahil kay Paraon at sa kaniyang mga hukbo. Malalaman ng mga taga-Ehipto na ako ay si Yahweh.” Kaya ang mga Israelita ay nagkampo dahil sa iniutos sa kanila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 4:21Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Kung babalik ka sa Ehipto, siguraduhin mong gawin sa harapan ni Paraon ang lahat ng mga kababalaghan na inilagay ko sa iyong kapangyarihan. Pero patitigasin ko ang kaniyang puso, at hindi niya paaalisin ang mga tao.
Exodus 7:3Pero patitigasin ko ang puso ni Paraon, at magpapakita ako ng maraming palatandaan ng aking kapangyarihan, maraming kamangha-mangha, sa lupain ng Ehipto.
Exodus 7:13Ang puso ni Paraon ay tumigas, at hindi siya nakinig, tulad ng naunang pinahayag ni Yahweh.
Exodus 9:16Pero sa ganitong kadahilanan hinayaan ko kayong makaligtas: para maipakita ang aking kapangyarihan, nang sa ganoon maipahayag ko sa lahat ng panig ng mundo ang aking pangalan.
Exodus 12:28Umalis ang mga Israelita at ganap na ginawa kung ano ang iniutos ni Yahweh kina Moises at Aaron.
Exodus 14:17Tandaan mo na patitigasin ko ang puso ng mga taga-Ehipto para sila ay tugisin. Makakakuha ako ng parangal dahil kay Paraon at sa lahat ng kaniyang hukbo, mga karwahe at ang kaniyang mga nangangabayo.