Exodus 16:29
Tingnan ninyo, Ako, si Yahweh ang nagbigay ng Araw ng Pamamahinga sa inyo. Kaya sa ikaanim na araw ay binibigyan ko kayo ng tinapay para sa dalawang araw. Bawat isa sa inyo ay dapat manatili sa kanyang sariling lugar; walang dapat lumabas mula sa kaniyang lugar sa ikapitong araw.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
30Kaya nagpahinga ang mga tao sa ikapitong araw.
Cross References
Leviticus 25:21Iuutos kong dumating sa inyo ang aking pagpapala sa ikaanim na taon, at magbibigay ito ng aning sapat para sa tatlong taon.
Isaiah 58:13Ipagpalagay ninyo na tumalikod kayo mula sa paglalakbay sa Araw ng Pamamahinga, at mula sa ginagawa ninyong sariling kasiyahan sa aking banal na araw. Ipagpalagay ninyo na ang Pamamahinga ay tinatawag ninyong isang kasiyahan, at tinatawag ninyo na banal at pinarangalan ang mga bagay ni Yahweh. Ipagpalagay ninyo na pinararangalan ninyo ang Araw ng Pamamahinga sa pamamagitan ng pag-iwan ng inyong sariling negosyo, at sa pamamagitan ng hindi paghahanap ng sarili ninyong kasiyahan at sa pamamagitan ng hindi pagsasalita ng sarili ninyong mga salita.
Matthew 24:20Ipanalangin ninyo na ang pagtatakas ninyo ay hindi mangyari sa taglamig o sa Araw ng Pamamahinga.