Exodo 17:6
Tatayo ako sa harapan mo doon sa ibabaw ng bato sa Horeb, at papaluin mo ang bato. Lalabas ang tubig mula dito para inumin ng mga tao. Pagkatapos ginawa ito ni Moises sa paningin ng mga nakatatanda ng Israel.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 16:10Nangyari na habang nagsasalita si Aaron sa buong komunidad ng bayan ng Israel, tumingin sila sa dako ng ilang, at pagmasdan, ang kaluwalhatian ni Yahweh ay lumitaw sa ulap.
Numbers 20:11Pagkatapos, itinaas ni Moises ang kaniyang kamay at hinampas ng dalawang beses ang bato sa pamamagitan ng kaniyang tungkod, at lumabas ang maraming tubig. Uminom ang sambayanan at ang kanilang mga baka.
Nehemiah 9:15Binigyan mo sila ng tinapay mula sa langit para sa kanilang gutom, at tubig mula sa isang bato para sa kanilang uhaw, at sinabi mo sa kanila na pumunta para angkinin ang lupain na pinangako mo na ibibigay sa kanila.
Psalms 74:15Binuksan mo ang mga bukal at batis; tinuyo mo ang mga dumadaloy na ilog.
Psalms 78:20Tingnan ninyo, nang hinampas niya ang bato, bumulwak ang tubig at nag-umapaw ang pagdaloy nito. Pero kaya din ba niya na magbigay ng tinapay? Magbibigay ba siya ng karne para sa kaniyang bayan?
Psalms 114:8Ginawa niyang lawa ng tubig ang malaking bato, ginawa niyang bukal ng tubig ang matigas na bato.