Exodus 17:5
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Mauna ka sa mga tao at magdala ka ng ilan sa mga nakatatanda ng Israel. Dalhin mo ang tungkod na inihampas mo sa ilog at umalis ka.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 7:19Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Sabihin mo kay Aaron, 'Kunin mo ang iyong tungkod at iabot mo ang kamay mo sa dako ng mga tubig ng Ehipto, sa dako ng kanilang mga ilog, mga batis, mga lawa, at lahat ng mga tubigan, para ang kanilang tubig ay maging dugo. Gawin mo ito para magkaroon ng dugo sa lahat ng buong lupain ng Ehipto, kahit na sa lalagyang kahoy at bato.'”
Numbers 20:8“Kunin mo ang iyong tungkod at tipunin ang sambayanan, ikaw at si Aaron na iyong kapatid. Magsalita ka sa bato sa kanilang paningin, at utusan mo ang bato na magpadaloy ng tubig. Makakakuha ka ng tubig para sa kanila mula sa batong iyan, at dapat mong ibigay ito sa sambayanan at sa kanilang mga baka para inumin.”
Acts 20:23maliban sa pagpapatotoo sa akin ng Banal na Espiritu sa bawat lungsod at magsabing naghihintay sa akin ang mga kadena at pagdurusa.