Exodo 19:24
Sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Lakad ka, bumaba sa bundok, at isama mo paakyat si Aaron na kasama mo, pero huwag mong payagan ang mga pari at ang mga tao na tanggalin ang bakod para pumunta sa akin, kung hindi sasalakayin ko sila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
25Kaya bumaba si Moises sa mga tao at nakipag-usap sa kanila.
Cross References
Exodus 19:12Dapat kang maglagay ng hangganan sa palibot ng bundok para sa mga tao. Sabihin sa kanila, ''Mag-ingat na hindi sila aakyat ng bundok o hahawakan ang hangganan. Siguradong mailalagay sa kamatayan ang sinumang hahawak sa bundok.'
Exodus 24:1Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Umakyat ka papunta sa akin- ikaw, Aaron, Nadab, Abihu, at pitumpung mga nakatatanda ng Israelita, at sambahin ako sa kalayuan.
Leviticus 10:3Pagkatapos sinabi ni Moises kay Aaron, “Ito ang tinutukoy ni Yahweh nang sinabi niyang, 'Ihahayag ko ang aking kabanalan sa sinumang lalapit sa akin. Luluwalhatiin ako sa harapan ng lahat ng mga tao.'” Walang kahit anong sinabi si Aaron.
Matthew 11:12Mula sa mga araw ni Juan na Tagapagbautismo hanggang ngayon, ang kaharian ng langit ay nagdurusa sa karahasan at sapilitan itong kinukuha ng mga taong mararahas.
Luke 16:16Ang kautusan at ang mga propeta ang umiiral hanggang sa dumating si Juan. Mula noon, ipinangaral ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos, at ang lahat ay sinusubukang pumasok nang pilit doon.
Romans 4:15Sapagkat matinding galit ang naibibigay ng kautusan, ngunit kung saan walang kautusan, wala ring pagsuway.