Exodo 23:16
Dapat ipagdiwang mo ang Pista ng Pag-aani, ang unang mga bunga ng iyong pinagtrabahuhan nang nagtanim ka ng buto sa iyong bukirin. At saka dapat mong ipagdiwang ang Pista ng Pagtitipon sa katapusan ng taon, kapag nalikom ninyo ang iyong inani mula sa bukirin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 22:29Hindi dapat ninyo ipagkait ang inyong mga handog mula sa inyong ani o sa inyong pisaan ng ubas. Dapat ninyong ibigay sa akin ang panganay ng inyong mga anak na lalaki.
Leviticus 23:9Kinausap ni Yahweh si Moises, sinasabi,
Leviticus 23:17Dapat ninyong ilabas sa inyong mga bahay ang dalawang tinapay na ginawa mula sa dalawang ikapu ng isang epah. Dapat ginawa ang mga ito mula sa pinong harina at inihurno kasama ang lebadura; isang paghahandog ang mga ito mula sa unang mga prutas na itataas at idinulog kay Yahweh.
Leviticus 23:39Tungkol sa Pista ng mga Kanlungan, sa ikalabing-limang araw ng ikapitong buwan, kapag inipon ninyo ang mga prutas ng mga lupain, dapat ninyong panatilihin ang pista ni Yahweh sa loob ng pitong araw. Ang unang araw magiging isang mataimtim na pahinga, at ang ikawalong araw magiging isa ring mataimtim na pahinga.
Numbers 29:12Sa ika labing limang araw ng ikapitong buwan dapat magkaroon kayo ng isang banal na pagpupulong upang parangalan si Yahweh. Hindi kayo dapat gumawa ng karaniwang gawain sa araw na iyon, at dapat ninyong ipagpatuloy ang pagdiriwang sa loob ng pitong araw para sa kaniya.
Nehemiah 8:14At kanilang natagpuan na nakasulat sa batas kung paano iniutos ni Yahweh sa pamamagitan ni Moises na ang bayan ng Israel ay kailangan manirahan sa mga kubol sa panahon ng kapistahan sa ikapitong buwan.