Exodus 28:40
Para sa mga anak na lalaki ni Aaron gumawa ka ng mga kasuotan, mga sintas, at mga bandana, para sa kanilang karangalan at kagandahan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 28:2Dapat kang gumawa ng kasuotan para kay Aaron, na iyong kapatid, na inihandog para sa akin. Ang kasuotang ito ay magiging kaniyang karangalan at kagandahan.
Exodus 29:9Dapat mong damitan si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki na may kasamang mga sintas at ilagay ang kanilang pamigkis sa ulo. Ang gawain ng pagkapari ay mabibilang na sa kanila sa pamamagitan ng palagiang batas. Sa ganitong paraan dapat mong gawing banal si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki para sa kanilang paglilingkod sa akin.
Exodus 39:41Dinala nila ang mga pinong natahing kasuotan para sa paglilingkod sa banal na lugar, ang banal na kasuotan para kay Aaron na pari at kaniyang mga anak na lalaki, para sila ay maglingkod bilang mga pari.
Ezekiel 44:17Kaya mangyayari na kapag pumasok sila sa mga tarangkahan ng panloob na patyo, kailangan nilang magsuot ng mga linong damit, sapagkat hindi sila dapat pumasok sa loob na nakasuot ng lana sa mga tarangkahan ng panloob na patyo at sa tahanang ito.
1 Timothy 6:9Ngayon sa mga gustong yumaman mahuhulog sila sa tukso, sa isang bitag. Sila ay mahuhulog sa kamangmangan at masamang pagnanasa, at sa anumang sisira at wawasak sa mga tao.
Titus 2:10Hindi sila dapat mangupit. Sa halip, dapat silang magpakita ng lahat ng mabuting pananalig, upang sa lahat ng paraan, sila ay magpaganda sa ating katuruan tungkol sa Diyos na ating tagapagligtas.