Exodus 28:2
Dapat kang gumawa ng kasuotan para kay Aaron, na iyong kapatid, na inihandog para sa akin. Ang kasuotang ito ay magiging kaniyang karangalan at kagandahan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And thou shalt make holy garments for Aaron thy brother for glory and for beauty.
In Context
Cross References
Exodus 19:5Ngayon pagkatapos, kung susundin at pakikinggan ninyo ang aking tinig at iingatan ang aking kasunduan, kung gayon, magiging katangi-tanging pag-aari kita mula sa lahat ng mga tao, dahil ang buong daigdig ay akin.
Exodus 29:5Dapat kang kumuha ng mga damit at damitan si Aaron kasama ang kapa, ang balabal ng efod, ang efod, at ang baluti, kabitan ng makinis na habing sinturon ng efod na nakapalibot sa kaniya.
Exodus 29:29Ang banal na mga damit ni Aaron ay dapat na isantabi para sa kaniyang mga anak na lalaki na susunod sa kaniya. Dapat silang basbasan at italaga ang mga ito sa akin.
Exodus 39:1Gamit ang asul, lila at pulang tela, sila ay nakagawa ng mga pinong hinabing kasuotan para sa paglilingkod sa banal na lugar. Ginawa nila ang mga kasuotan ni Aaron para sa banal na lugar, ayon sa iniutos ni Yahweh kay Moises.
Leviticus 8:7Inilagay niya kay Aaron ang tunika at itinali ang kabitan sa palibot sa kaniyang baywang, binihisan siya ng kasuotan at inilagay ang efod sa kaniya, at pagkatapos itinali niya ang efod sa palibot niya kasama ng kabitan na hinabi nang pino at itinali ito sa kaniya.
Numbers 20:26Alisin mo kay Aaron ang mga kasuotang pangpari at isuot ito kay Eleazar na kaniyang anak na lalaki. Dapat mamatay si Aaron at mmaitipon sa kaniyang mga tao doon.”