Exodus 29:1
Ngayon ito ang dapat mong gawin sa pagtatalaga sa kanila sa akin para sila ay makapaglingkod bilang mga pari. Kumuha ka ng isang batang toro at dalawang lalaking tupa na walang bahid,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 20:11Dahil sa ikaanim na araw Ako, si Yahweh, ang lumikha ng langit, lupa at dagat at lahat ng bagay na nasa loob nito at nagpahinga sa ikapitong araw. Kaya nga Ako, si Yahweh, ay pinagpala ang Araw ng Pamamahinga at inihandog ito sa aking sarili.
Exodus 28:3Dapat mong sabihin sa lahat ng mga tao nang may katalinuhan sa puso, pinuno ko sila ng espiritu ng karunungan, para makagawa sila ng mga kasuotan ni Aaron para itakda siyang nakahiwalay para maglingkod sa akin bilang pari.
Exodus 29:21Dapat mong kunin ang ilan sa mga dugo na nasa altar at ilan sa binasbasang langis, at isaboy ang lahat ng ito kay Aaron at sa kaniyang mga damit, at saka sa kaniyang mga anak na lalaki at sa kanilang mga damit. Ilalaan si Aaron para sa akin, at ang kaniyang mga damit, kasama niya ang kaniyang mga anak na lalaki at mga damit ng kaniyang mga anak na lalaki.
Leviticus 5:15“Kung sinuman ay lumabag sa isang utos at nagkasala laban sa mga bagay na pagmamay-ari ni Yahweh, ngunit nagawa nang hindi sinasadya, kung gayon dapat dalhin niya kay Yahweh ang kaniyang handog na pambayad kasalanan. Dapat isang lalaking tupa na walang dungis mula sa kawan ang handog na ito; dapat tasahin ang halaga nito sa pilak na sekel—ang sekel ng santuwaryo—bilang handog na pambayad sa kasalanan.
Leviticus 6:13Dapat patuloy na panatilihing umaapoy ang apoy sa ibabaw ng altar. Hindi ito dapat mamatay.
Leviticus 8:2“Isama mo si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki, ang mga kasuotan at ang langis na pampahid, ang toro para sa mga paghahandog sa kasalanan, ang dalawang lalaking tupa, at ang basket ng tinapay na walang pampaalsa.