Leviticus 8:2
“Isama mo si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki, ang mga kasuotan at ang langis na pampahid, ang toro para sa mga paghahandog sa kasalanan, ang dalawang lalaking tupa, at ang basket ng tinapay na walang pampaalsa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
1Nagsalita si Yahweh kay Moises, sinasabing,
3Tipunin ang lahat ng kapulungan sa pasukan patungo sa tolda ng pagpupulong.”
Cross References
Exodus 28:40Para sa mga anak na lalaki ni Aaron gumawa ka ng mga kasuotan, mga sintas, at mga bandana, para sa kanilang karangalan at kagandahan.
Exodus 30:25Dapat kang gumawa ng banal na langis ng pagpapahid kasama ang mga sangkap na ito, ang gawa ng tagapagpabango. Ito ay magiging banal na langis ng pagpapahid, inilaan para sa akin.
Exodus 39:41Dinala nila ang mga pinong natahing kasuotan para sa paglilingkod sa banal na lugar, ang banal na kasuotan para kay Aaron na pari at kaniyang mga anak na lalaki, para sila ay maglingkod bilang mga pari.
Hebrews 7:27Hindi siya nangangailangan, di tulad ng mga pinaka-punongpari, na mag-alay ng handog araw-araw, una para sa kaniyang sariling kasalanan, at pagkatapos para sa kasalanan ng mga tao. Ginawa niya ito nang minsanan para sa lahat, nang inialay niya ang kaniyang sarili.