Exodus 29:13
Dapat mong kunin ang lahat ng taba na nakatakip sa mga lamang-loob, at saka kumuha ng panakip sa atay at sa dalawang lapay na may kasamang taba na nasa kanila; sunugin ang lahat ng ito sa altar.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 29:18sa altar. Pagkatapos sunugin ang buong lalaking tupa. Ito ay maging sinunog na handog sa akin, si Yahweh. Ito ay magdudulot ng matamis na halimuyak sa akin; ito ay magiging isang handog sa pamamagitan ng apoy.
Exodus 29:25Dapat mong kunin ang mga pagkain galing sa kanilang mga kamay at sunugin ito sa altar kasama ang handog na susunugin. Ito ay magbibigay ng matamis na halimuyak sa akin; ito ay handog na gawa sa apoy.
Leviticus 1:15Dapat itong dalhin ng pari sa altar, pilipitin ang ulo nito, at sunugin ito sa altar. Pagkatapos dapat patuluin lahat ng dugo nito sa gilid ng altar.
Leviticus 3:9Maghahandog ang lalaki ng alay ng mga handog para sa pagtitipon-tipon bilang isang handog na gawa sa pamamagitan ng apoy kay Yahweh. Aalisin ang taba, ang buong taba ng buntot hanggang sa gulugod, at ang tabang bumabalot sa lamang-loob at ang lahat ng tabang malapit sa lamang-loob,
Leviticus 4:8Aalisin niya ang lahat ng taba sa torong panghandog para sa kasalanan; ang tabang bumabalot sa mga lamang loob, lahat ng tabang nakadikit sa mga panloob na bahagi,
Leviticus 4:31Aalisin niya ang lahat ng taba, gaya ng pag-alis ng taba mula sa alay ng mga handog para sa kapayapaan. Susunugin ito ng pari sa altar upang magdulot ng isang matamis na samyo para kay Yahweh. Gagawa ang pari ng kabayaran ng kasalanan para sa tao, at papatawarin siya.