Exodus 29:18
sa altar. Pagkatapos sunugin ang buong lalaking tupa. Ito ay maging sinunog na handog sa akin, si Yahweh. Ito ay magdudulot ng matamis na halimuyak sa akin; ito ay magiging isang handog sa pamamagitan ng apoy.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 8:20Gumawa ng altar si Noe para kay Yahweh. Kumuha siya ng ilang malinis na hayop at ilang malinis na ibon, at naghandog ng handog na susunugin sa altar.
Genesis 22:2Pagkatapos sinabi ng Diyos, “Kunin mo ang iyong anak, ang kaisa-isa mong anak, na iyong minamahal, si Isaac, at pumunta ka sa lupain ng Moria. Ialay mo siya roon bilang handog na susunugin sa ibabaw ng isa sa mga bundok na ituturo ko sa iyo.”
Genesis 22:13Tumingala si Abraham nang biglang, may isang tupa sa likuran niya ang sumabit ang sungay sa mga halaman. Pinuntahan at kinuha ni Abraham ang tupa at inalay ito bilang handog na susunugin sa Diyos sa halip na ang kanyang anak.
Leviticus 1:17Dapat niyang biyakin ito hawak ang mga pakpak, pero hindi niya ito dapat hatiin sa dalawang bahagi. Pagkatapos susunugin ito ng pari sa altar, sa kahoy na nasa apoy. Magiging isang handog na susunugin ito, at magbibigay ito ng mabangong halimuyak para kay Yahweh; magiging isang handog ito na ginawa sa kanya sa pamamagitan ng apoy.
1 Samuel 7:9Kumuha si Samuel ng isang pinapasusong kordero at inihandog ito bilang isang buong sinunog na handog kay Yahweh. Pagkatapos patuloy na tumawag si Samuel kay Yahweh para sa Israel, at sinagot siya ni Yahweh.
1 Kings 18:38Pagkatapos kaagad ang apoy ni Yahweh ay bumaba, at tinupok ang handog na susunugin, maging ang kahoy, ang mga bato, at ang lupa, at tinuyo ang tubig na nasa kanal.