Genesis 8:20
Gumawa ng altar si Noe para kay Yahweh. Kumuha siya ng ilang malinis na hayop at ilang malinis na ibon, at naghandog ng handog na susunugin sa altar.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 4:4Si Abel naman ay nagdala ng ilan sa panganay ng kanyang kawan at ilan sa taba. Tinanggap ni Yahweh si Abel at ang kanyang handog,
Genesis 7:3Gayundin ang mga ibon sa kalangitan, magdala ka ng pitong lalaki at pitong babae, upang mapanatili ang kanilang mga supling sa ibabaw ng buong mundo.
Genesis 12:8Mula roon siya ay lumipat sa bulubunduking bayan sa silangan ng Bethel, kung saan niya itinayo ang kaniyang tolda, na ang Bethel ay nasa kanluran at ang Ai ay nasa silangan. Doon nagtayo siya ng altar para kay Yahweh at tumawag sa pangalan ni Yahweh.
Genesis 13:18Kaya binuhat ni Abram ang kaniyang tolda, pumunta siya at nanirahan sa may mga kakahuyan ng Mamre, na nasa Hebron, at doon nagtayo ng isang altar para kay Yahweh.
Genesis 22:9Nang dumating sila sa lugar na sinabi ng Diyos sa kanya, gumawa si Abraham ng isang altar at inilatag niya ang kahoy dito. Pagkatapos tinalian ni Abraham si Isaac na kanyang anak, at inilagay niya ito sa altar, sa ibabaw ng kahoy.
Genesis 33:20Nagtayo siya roon ng altar at tinawag itong El Elohe Israel.