Exodus 29:41
Dapat kang maghandog ng pangalawang tupa sa paglubog ng araw. Dapat kang maghandog ng pagkaing butil sa umaga at parehong inuming handog. Ang mga ito ay magdudulot ng matamis na halimuyak sa akin; ito ang magiging handog na gawa para sa akin sa apoy.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 12:6Kailangan ninyong ingatan ito hanggang sa ikalabing-apat na araw sa buwan na iyon. Pagkatapos kailangang papatayin ang mga hayop na ito ng buong kapulungan ng Israel sa takip-silim.
1 Kings 18:36Ito ang naganap sa oras ng pag-aalay ng pang gabing handog, si Elias na propeta ay lumapit at sinabi, “ Yahweh, na Diyos ni Abraham, ni Isaac, at ng Israel, hayaang malaman sa araw na ito na ikaw ang Diyos sa Israel, at ako ang iyong lingkod, at aking ginagawa ang lahat ng bagay sa iyong salita.
2 Chronicles 2:3Nagpadala ng mensahe si Solomon kay Hiram, ang hari ng Tiro, na nagsasabi, “Tulad ng ginawa mo sa aking amang si David na pinadalhan mo ng sedar na mga troso upang magpatayo ng tahanan na matitirahan, gawin mo rin iyon sa akin.
Psalms 141:2Nawa ang aking panalangin ay maging gaya ng insenso sa harapan mo; nawa ang nakataas kong mga kamay ay maging katulad ng alay sa gabi.
Daniel 9:21habang ako ay nananalangin, ang lalaking si Gabriel, na nakita ko sa unang pangitain ay mabilis na lumipad pababa sa akin, sa panahon ng pag-aalay sa gabi.