Exodus 3:18
Makikinig sila sa iyo. Ikaw at ang mga nakatatanda ng Israel ay dapat pumunta sa hari ng Ehipto, at dapat mong sabihin sa kaniya, 'Si Yahweh, ang Diyos ng mga Hebreo ay kinatagpo kami. Kaya ngayon hayaan mo kaming maglakbay ng tatlong araw sa ilang, para makapaghandog kami kay Yahweh, na aming Diyos.'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 12:1Ngayon sinabi ni Yahweh kay Abram, “Humayo ka mula sa iyong bansa, at mula sa iyong mga kamag-anak, at mula sa sambahayan ng iyong ama, sa lupaing ipakikita ko sa iyo.
Genesis 17:1Nang siyamnapu't-siyam na taong gulang na si Abram, nagpakita si Yahweh sa kanya at sinabing, “Ako ang Diyos na makapangyarihan. Lumakad ka sa akin at mamuhay ka nang matuwid.
Exodus 3:12Sumagot ang Diyos, “Ako ay tiyak na makakasama mo. Ito ang magiging palatandaan na pinadala kita. Kapag nailabas mo ang bayan mula sa Ehipto, sasambahin ninyo ako sa bundok na ito.”
Exodus 4:1Sumagot si Moises, “Pero paano kung hindi sila maniwala o makinig sa akin pero sa halip na sabihin, 'Si Yahweh ay hindi nagpakita sa iyo'?”
Exodus 4:24Ngayon habang nasa daan, nang huminto sila para sa gabi, si Yahweh ay nakipagkita kay Moises at sinubukang patayin siya.
Exodus 5:1Nang matapos ang mga bagay na ito, pumunta sina Moises at Aaron kay Paraon at sinabi, “Ito ang sinabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, sinabing: 'Pabayaan mong umalis ang aking bayan, para magkaroon sila ng pagdiriwang para sa akin doon sa ilang.”