Exodus 4:24
Ngayon habang nasa daan, nang huminto sila para sa gabi, si Yahweh ay nakipagkita kay Moises at sinubukang patayin siya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And it came to pass by the way in the inn, that the LORD met him, and sought to kill him.
In Context
Cross References
Genesis 17:14Sinuman sa mga hindi tuli ang hindi tinuli sa laman ng kaniyang balat ay ihihiwalay mula sa kanyang sambayahan. Sinira niya ang aking tipan.
Exodus 3:18Makikinig sila sa iyo. Ikaw at ang mga nakatatanda ng Israel ay dapat pumunta sa hari ng Ehipto, at dapat mong sabihin sa kaniya, 'Si Yahweh, ang Diyos ng mga Hebreo ay kinatagpo kami. Kaya ngayon hayaan mo kaming maglakbay ng tatlong araw sa ilang, para makapaghandog kami kay Yahweh, na aming Diyos.'
Numbers 22:22Ngunit dahil sumama siya, ang galit ni Yahweh ay sumiklab. Inilagay ng anghel ni Yahweh ang kaniyang sarili sa daanan bilang isang taong hadlang kay Balaam, na nakasakay sa kaniyang asno. Ang dalawang alipin ni Balaam ay kasama din niya.
1 Chronicles 21:16Tumingin sa itaas si David at nakita niya ang anghel ni Yahweh na nakatayo sa pagitan ng langit at lupa na may hawak na espada na nakataas sa buong Jerusalem. Pagkatapos dumapa si David at ang mga nakatatanda na nakadamit ng pangluksa sa lupa.