Exodus 3:7
Sinabi ni Yahweh, “Tunay na nakita ko ang pagdurusa ng aking bayan na nasa Ehipto. Narinig ko ang kanilang pagsigaw dahil sa kanilang mahihigpit na tagapangasiwa, dahil alam ko ang tungkol sa kanilang pagdurusa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 29:32Si Lea ay nagdalang-tao at nagsilang ng isang batang lalaki, at pinangalanan niyang Ruben. Sinabi niya, “Dahil nakita ni Yahweh ang aking paghihirap; tiyak ngayon na mamahalin na ako ng aking asawa.
Exodus 1:8Pagkatapos isang bagong hari ang namahala sa Ehipto, na walang pakialam sa alaala ni Jose.
Exodus 2:23Lumipas ang isang mahabang panahon, ang hari ng Ehipto ay namatay. Ang mga Israelita ay dumaing dahil sa kanilang pagkaalipin. Sila ay humingi ng tulong, at ang kanilang daing ay nakarating sa Diyos dahil sa kanilang pagkaalipin.
Exodus 22:23Kung sasaktan ninyo sila, at kung tumawag sila sa akin, na si Yahweh, siguradong pakikinggan ko ang kanilang tawag.
2 Kings 13:4Kaya nagsumamo si Jehoahas kay Yahweh, at pinakinggan siya ni Yahweh dahil nakita niya ang pang-aapi sa Israel, kung paano sila inaaapi ng hari ng Aram.
Nehemiah 9:9Nakita mo ang paghihirap ng aming mga ninuno sa Ehipto at narinig mo ang kanilang mga hinagpis sa dagat ng mga Tambo.