Exodo 30:16
Dapat mong tanggapin itong perang pambayad sa kasalanan mula sa mga Israelita at dapat mong ilaan ito para sa gawain sa tolda ng pagpupulong. Ito ay dapat maging isang paalala sa mga Israelita sa akin, para gumawa ng pangtubos ng kasalanan para sa inyong mga buhay.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
17Nagsalita si Yahweh kay Moises at sinabi,
Cross References
Exodus 12:14Ang araw na ito ay magiging araw ng pag-alaala para sa inyo, kung saan dapat ninyong sundin bilang isang pista para kay Yahweh. Ito ay mananatiling isang batas para sa inyo, sa lahat ng inyong mga salinlahi, na dapat ninyong sundin ngayong araw.
Numbers 16:40upang maging isang paalala sa mga tao ng Israel, na ang mga nagmula lamang kay Aaron ang maaaring pumuntang magsunog ng insenso sa harap ni Yahweh, para hindi sila magiging katulad ni Korah at ng kaniyang pangkat—gaya ng iniutos ni Yahweh sa pamamagitan ni Moises.
2 Chronicles 24:6Kaya ipinatawag ng hari si Joiada, ang pinakapunong pari, at sinabi sa kaniya, “Bakit hindi mo inatasan ang mga Levita na kunin mula sa Juda at Jerusalem ang buwis na ipinataw ni Moises, ang lingkod ni Yahweh, at ng kapulungan ng Israel, para sa tolda ng tipanan?”
Nehemiah 10:33na magkaloob ng tinapay sa kaniyang presensiya, at para sa karaniwang handog na butil, ng mga sinusunog na handog sa mga Araw ng Pamamahinga, para sa pagdiriwang ng bagong buwan at mga tinakdang kapistahan, at para sa banal na mga handog, at para sa mga handog sa kasalanan para mabayaran ang kasalanan ng Israel, gayundin sa lahat ng gawain sa tahanan ng ating Diyos.