Numbers 16:40
upang maging isang paalala sa mga tao ng Israel, na ang mga nagmula lamang kay Aaron ang maaaring pumuntang magsunog ng insenso sa harap ni Yahweh, para hindi sila magiging katulad ni Korah at ng kaniyang pangkat—gaya ng iniutos ni Yahweh sa pamamagitan ni Moises.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 30:7Dapat si Aaron ang magsunog ng mabangong insenso sa tuwing umaga. Dapat niyang sunugin ito kapag inaayos niya ang mga lampara.
Numbers 1:51Kapag ang tabernakulo ay ililipat na sa ibang lugar, dapat itong ibaba ng mga Levita. Kapag ang tabernakulo ay itatayo, dapat itong itayo ng mga Levita. At ang sinumang dayuhang lalapit sa tabernakulo ay dapat patayin.
Numbers 3:38Dapat magkampo sina Moses at Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki sa dakong silangan ng tabernakulo, sa harapan ng tolda ng pagpupulong, sa dakong sinisikatan ng araw. Sila ang mamahala para sa katuparan ng kanilang mga tungkulin sa santuwaryo at sa mga tungkulin ng mga tao ng Israel. Dapat patayin ang sinumang dayuhan na lalapit sa santuwaryo.
1 Kings 13:1Isang lingkod ng Diyos ang lumabas sa Juda sa pamamagitan ng salita ni Yahweh para sa Bethel. Nakatayo si Jeroboam sa may altar para magsunog ng insenso.
Psalms 115:10Ang tahanan ni Aaron, magtiwala kayo kay Yahweh; siya ang iyong saklolo at kalasag.