Exodus 30:35
Gawin ito sa paraan ng insenso, hinalo ng isang tagapagpabango, pinalasa ng asin, puro at inilaan sa akin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 28:41Dapat mong damitan si Aaron na iyong kapatid, at ang kaniyang mga anak na lalaki na kasama niya. Dapat mo silang buhusan ng langis, italaga sila, at ihandog sila sa akin, para maglingkod sila sa akin bilang mga pari.
Leviticus 2:13Dapat ninyong timplahan ng asin ang bawat butil ninyong handog. Hindi ninyo kailanman dapat hayaang mawala ang asin ng kasunduan ng inyong Diyos mula sa inyong butil na handog. Kasama ng lahat ng inyong mga handog dapat maghandog kayo ng asin.
1 Kings 1:39Kinuha ni Sadoc na pari ang sungay na lalagyan ng langis mula sa tolda at pinahiran ng langis si Solomon. Pagkatapos ay hinipan nila ang trumpeta, at sinabi ng lahat ng tao, “Mabuhay si Haring Solomon!”
Psalms 133:2Tulad ito ng mamahaling langis sa ulo na dumaloy pababa sa balbas ni Aaron, na dumaloy sa kaniyang mga kasuotan.
Song of Solomon 1:3May kaaya-ayang halimuyak ang iyong mga langis na pamahid; parang pabangong dumadaloy ang iyong pangalan, kaya iniibig ka ng mga dalaga.
John 12:3Pagkatapos kumuha si Maria ng isang litra ng pabango mula sa purong nardo na napakamahal, at pinahiran nito ang mga paa ni Jesus at pinunasan ng kaniyang buhok ang kaniyang mga paa, at napuno ang buong bahay ng halimuyak ng pabango.